Paggunita sa Araw ng Kalayaan
Official Barangay Photo
Official Announcement

Paggunita sa Araw ng Kalayaan

May 14, 2026
Main Administrator
4 min read
Ref. No #000010
Barangay Cabuco OFFICIAL ANNOUNCEMENT
Noong Hunyo 12, 1898, sa Kawit, Cavite, idineklara ni Gen. Emilio Aguinaldo ang Kalayaan ng Pilipinas mula sa mahigit tatlong siglong pananakop ng Espanya. Ang makasaysayang pangyayaring ito ay nagsisilbing paalala ng katapangan, pagkakaisa, at pagmamahal sa bayan ng ating mga ninuno.

Bilang paggunita sa ating kalayaan, ipinaaalam po namin na bukas, Hunyo 12, 2026 (Biyernes), ay walang pasok ang ating tanggapan.

Nawa'y maging makabuluhan ang pagdiriwang na ito sa pamamagitan ng paggugol ng oras kasama ang ating mga pamilya at mahal sa buhay, habang ipinagdiriwang natin ang kalayaang tinatamasa bilang isang bansa.

Maligayang Araw ng Kalayaan! ❤️🇵🇭